Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, Â Â Â ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan; maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, Â Â Â ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay.
Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay; Â Â Â maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay, pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal.
Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, Â Â Â ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.
Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan, Â Â Â ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal.
Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan, hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan, Â Â Â kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.