Ang aking pangmasid doon nakatuon, Â Â Â sa luklukang trono mo, O Panginoon.
Tulad ko'y aliping ang inaasahan    ay ang amo niya para sa patnubay, kaya tuluy-tuloy ang aming tiwala,    hanggang ikaw, Yahweh, sa ami'y maawa.
Mahabag ka, Yahweh, kami'y kaawaan, Â Â Â labis na paghamak aming naranasan.
Kami'y hinahamak ng mga mayaman, Â Â Â laging kinukutya kahit noon pa man ng mapang-aliping taong mayayabang.