Minamahal ko si Yahweh, pagkat ako'y dinirinig, Â Â Â dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik;
ako'y kanyang dinirinig tuwing ako'y tumatawag, Â Â Â kaya nga't habang buhay ko'y sa iyo lagi tatawag.
Noong ako'y mahuhulog sa bingit ng kamatayan, Â Â Â nadarama ko ang tindi ng takot ko sa libingan; Â Â Â lipos ako ng pangamba at masidhing katakutan.
Sa ganoong kalagayan, si Yahweh ang tinawag ko, Â Â Â at ako ay nagsumamo na iligtas niya ako.
Si Yahweh'y napakabuti, mahal niya ang katuwiran, Â Â Â Diyos siyang mahabagin, sa awa ay mayaman.
Si Yahweh ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo; Â Â Â noong ako ay manganib, iniligtas niya ako.
Manalig ka, O puso ko, kay Yahweh ka magtiwala, Â Â Â pagkat siya ay mabuti't hindi siya nagpapabaya.
Ako'y kanyang iniligtas sa kuko ng kamatayan, Â Â Â tinubos sa pagkatalo, at luha ko'y pinahiran.
Sa presensya ni Yahweh doon ako mananahan,    doon ako mananahan sa daigdig nitong buháy.
Laging buháy ang pag-asa, patuloy ang pananalig,    bagama't ang aking sabi'y, “Ako'y ganap nang nalupig.â€
Bagama't ako'y takot, nasasabi ko kung minsan,    “Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.â€
Kay Yahweh na aking Diyos, anong aking ihahandog, Â Â Â sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?
Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap, Â Â Â bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.
Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang, Â Â Â ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay.
Tunay ngang itong si Yahweh, malasakit ay malaki, Â Â Â kung ang isang taong tapat, kamatayan ay masabat.
O Yahweh, naririto akong inyong abang lingkod, Â Â Â katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos; yamang ako'y iniligtas, kinalinga at tinubos.
Ako ngayo'y maghahandog ng haing pasasalamat, Â Â Â ang handog kong panalangi'y sa iyo ko ilalagak.
(18-19) Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang,    sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay    ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan. Purihin si Yahweh!