Tanging sa iyo lamang, Yahweh, ang dakilang karangalan, Â Â Â hindi namin maaangkin, pagkat ito'y iyo lamang; Â Â Â walang kupas iyong pag-ibig, natatanging katapatan.
Ganito ang laging tanong sa amin ng mga bansa:    “Nasaan ba ang inyong Diyos?†ang palaging winiwika.
Ang Diyos nami'y nasa langit, naroroon ang Diyos namin, Â Â Â at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.
Ginawa sa ginto't pilak ang kanilang mga diyos, Â Â Â sa kanila'y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.
Totoo nga at may bibig, ngunit hindi makapagsalita, Â Â Â at hindi rin makakita, mga matang pinasadya;
di rin naman makarinig ang kanilang mga tainga, Â Â Â ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.
Totoo nga na may kamay ngunit walang pakiramdam, Â Â Â mga paa'y mayroon din ngunit hindi maihakbang, Â Â Â ni wala kang naririnig kahit munting tinig man lang.
Ang gumawa sa kanila at pati ang nagtiwala, Â Â Â lahat sila ay katulad ng gayong diyos na ginawa.
Ikaw, bayan ng Israel, kay Yahweh lang magtiwala, Â Â Â siya ang inyong sanggalang, kung tumulong laging handa.
Kayong mga pari, kay Yahweh ay magtiwala, Â Â Â siya ang inyong sanggalang, kung tumulong laging handa.
Kay Yahweh ay magtiwala, kayong may takot sa kanya, Â Â Â siya ang inyong sanggalang, kung tumulong laging handa.
Ang Diyos ay magpapala, hindi tayo lilimutin, Â Â Â pagpapala'y matatamo nitong bayan ng Israel; Â Â Â pati mga pari'y may pagpapalang kakamtin.
Sa lahat ng mayro'ng takot kay Yahweh, lahat mapagpapala, Â Â Â kung magpala'y pantay-pantay, sa hamak man o dakila.
Sana kayo'y paramihin, kayo at ang inyong angkan, Â Â Â anak ninyo ay dumami, lumaki ang inyong bilang.
Pagpalain sana kayo, pagpalain kayong lubos, Â Â Â pagpalain ng lumikha ng langit at sansinukob.
Si Yahweh ang may-ari ng buong sangkalangitan, Â Â Â samantalang ang daigdig, sa tao niya ibinigay.
Di na siya mapupuri niyong mga taong patay, Â Â Â niyong mga nahihimlay sa malamig na libingan.
Tayo ngayong nabubuhay ang dapat magpasalamat, Â Â Â siya'y dapat na purihin, mula ngayon, hanggang wakas. Purihin si Yahweh!