Kay Yahweh ko isinalig ang aking kaligtasan,    kaya't ang ganito'y huwag sabihin ninuman: “Lumipad kang tulad ng ibon patungo sa kabundukan,   Â
sapagkat ang pana ng masasama ay laging nakaumang, Â Â Â upang tudlain ang taong matuwid mula sa kadiliman.
Ang mabuting tao'y mayroon bang magagawa,    kapag ang mga pundasyon ng buhay ay nasira?â€
Si Yahweh ay naroon sa kanyang banal na Templo, Â Â Â doon sa kalangitan, nakaupo sa kanyang trono, at buhat doo'y pinagmamasdan ang lahat ng tao, Â Â Â walang maitatagong anuman sa gawa ng mga ito.
Ang mabuti at masama ay kanyang sinusuri; Â Â Â sa taong suwail siya'y lubos na namumuhi.
Pinauulanan niya ng apoy at asupre ang masasamang tao; Â Â Â at sa mainit na hangin sila'y kanyang pinapaso.
Si Yahweh ay matuwid at sa gawang mabuti'y nalulugod; Â Â Â sa piling niya'y mabubuhay ang sa kanya'y sumusunod.