Nahahanda ako ngayon, O Diyos, ako ay handa na, Â Â Â na magpuri at umawit ng awiting masisigla! Gumising ka, kaluluwa, gumising ka at magsaya! Â Â Â
O magsigising na nga kayo, mga lira at alpa; Â Â Â tumugtog na at hintayin ang liwayway ng umaga.
Sa gitna ng mga bansa kita'y pasasalamatan, Â Â Â Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng mga hirang.
Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan, Â Â Â nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.
Sa ibabaw ng mga langit ikaw ay itatanghal, Â Â Â at dito naman sa daigdig ang iyong kaluwalhatian.
Sa taglay mong kalakasan kami sana ay iligtas, Â Â Â upang kaming iyong lingkod ay hindi na mapahamak; Â Â Â dinggin mo ang dalangin ko kapag ako'y tumatawag.
Sinabi nga nitong Diyos mula sa tronong luklukan,    “Hahatiin ko ang Shekem, bilang tanda ng tagumpay,    paghahati-hatiin ko ang Sucot na kapatagan, matapos na gawin ito'y ibibigay sa hinirang.
Ang Gilead at Manases, dal'wang dakong ito'y akin, Â Â Â magsisilbing helmet ko itong lugar ng Efraim; Â Â Â samantalang itong Juda ay setrong dadakilain.
Ang Moab ay isang lugar na gagawin kong hugasan,    samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan;    doon naman sa Filistia, tagumpay ko'y isisigaw.â€
Sino kaya ang sasama sa lakad ko, Panginoon? Sa lunsod na mayroong kuta, sino'ng maghahatid ngayon? Â Â Â Sino kaya'ng magdadala sa akin sa lupang Edom?
Dahil kami'y itinakwil, hindi mo na pinapansin. Â Â Â Kung ikaw ay di kasama, paano ang hukbo namin?
O Diyos, kami'y tulungan mo sa paglaban sa kaaway, Â Â Â pagkat ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.
Kung ang Diyos ang kasama, kasama sa panig namin, Â Â Â matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin.