Papurihan mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Â Â Â Ikaw Yahweh na aking Diyos, kay dakila mong talaga! Karangala't kamahalan, lubos na nadaramtan ka.
O Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag, Â Â Â kalangita'y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad.
Ang ginawa mong tahanan ay ang tubig sa itaas, Â Â Â ang karo mong sinasakyan ay ang papawiring-ulap, Â Â Â sa pakpak ng mga hangin ay doon ka lumalakad.
Tagahatid ng balita ay hangin ding sumisimoy, Â Â Â at kidlat na matatalim ang lingkod mong tumutulong.
Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa, Â Â Â matatag na ginawa mo't hindi ito mauuga.
Ang ibabaw ng saliga'y ginawa mong karagatan, Â Â Â at tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan.
Ngunit noong magalit ka itong tubig ay tumakas, Â Â Â nang marinig ang sigaw mo, tumilapon agad-agad.
Bumuhos sa kabundukan, umagos sa kapatagan, Â Â Â natipon sa isang dako't naging isang karagatan,
matapos, ang ginawa mo'y naglagay ka ng hangganan, Â Â Â upang itong kalupaa'y di na muling laganapan.
Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan, Â Â Â sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan.
Kaya kahit na sa ilang ang hayop na naroon, Â Â Â maging hayop na mailap may tubig na naiinom.
Sa naroong kakahuya'y umaawit na masaya, Â Â Â mga ibo'y nagpupugad sa malabay nilang sanga.
Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig, Â Â Â ibinuhos ang pagpapala't lumaganap sa daigdig.
Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, Â Â Â nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha. Â Â Â
Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya, Â Â Â may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya, Â Â Â at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina.
Ang mga kahoy ni Yahweh, masaganang nadidilig, Â Â Â mga sedar ng Lebanon, kayo mismo ang nagtanim.
Sa malagong mga puno at malabay nitong sanga, Â Â Â mga ibo'y nagpupugad, doon sila tumitira.
Yaong mga kambing-gubat nagkalat sa kabundukan, Â Â Â sa bitak ng mga bato ang kuneho nananahan.
Ang buwan ay nababatid sa buwan ding iyong likha, Â Â Â araw nama'y lumulubog sa oras na itinakda.
Lumikha ka nitong dilim, at gabi ang itinawag, Â Â Â kung gumabi gumigising ang hayop na maiilap.
Umuungal itong leon, samantalang humahanap    ng kanyang makakain na sa Diyos din nagbubuhat.
Kung sumapit ang umaga, dala nito kanyang huli, Â Â Â pumupunta sa tagua't doon siya nangungubli;
samantalang itong tao humahayo sa gawain, Â Â Â sa paggawang walang tigil inaabot na ng dilim.
Sa daigdig, ikaw Yahweh, kay rami ng iyong likha! Â Â Â Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, Â Â Â sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa.
Nariyan ang mga lawa't malawak na karagatan, Â Â Â malalaki't maliliit na isda ay di mabilang.
Iba't ibang mga bapor ang dito ay naglalakbay, Â Â Â samantalang ang Leviatang nilikha mo'y kaagapay.
Lahat sila'y umaasa, sa iyo ay nag-aabang, Â Â Â umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.
Ang anumang kaloob mo ay kanilang tinatanggap,    mayro'n silang kasiyahan pagkat bukás ang iyong palad.
Kapag ika'y lumalayo labis silang nangangamba, Â Â Â takot silang mamatay kung lagutin mo ang hininga; Â Â Â mauuwi sa alabok, pagkat doon sila mula.
Taglay mo ang katangiang buhay nila ay ibalik, Â Â Â bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.
Sana ang iyong karangala'y manatili kailanman, Â Â Â sa lahat ng iyong likha ang madama'y kagalakan.
Nanginginig ang nilikha, kapag titig mo sa daigdig, Â Â Â ang bundok na hipuin mo'y umuusok, nag-iinit.
Aawitan ko si Yahweh, palagi kong aawitan, Â Â Â siya'y aking pupurihin habang ako'y nabubuhay.
Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan, Â Â Â pagkat ako'y nagagalak, nagpupuri sa Maykapal.
Ang lahat ng masasama sana'y alisin sa daigdig, Â Â Â ang dapat ay lipulin na upang sila ay maalis. Si Yahweh ay purihin mo, aking kaluluwa! Purihin si Yahweh!