Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin, Â Â Â lingapin mo ako sa aking pagdaing.
O huwag ka sanang magkubli sa akin,    lalo sa panahong may dusa't bigatin. Kapag ako'y tumawag, ako'y iyong dinggin    sa sandaling iyo'y agad mong sagutin.
Nanghihina akong usok ang katulad, Â Â Â damdam ko sa init, apoy na maningas.
Katulad ko'y damong natuyo sa parang, Â Â Â pati sa pagkai'y di ako ganahan.
Kung ako'y tumaghoy ay ubod nang lakas, Â Â Â yaring katawan ko'y buto na at balat.
Tulad ko'y mailap na ibon sa ilang, Â Â Â para akong kuwago sa dakong mapanglaw;
ang aking katulad sa hindi pagtulog, Â Â Â ibon sa bubungang palaging malungkot.
Sa buong maghapon, ang kaaway ko, nililibak ako, kinukutyang todo; Â Â Â gamit sa pagsumpa'y itong pangalan ko.
Pagkain ko'y abo at hindi tinapay, Â Â Â luha'y hinahalo sa aking inuman.
Dahil sa galit mo, aking Panginoon, Â Â Â dinaklot mo ako't iyong itinapon.
Ang buhay kong taglay ay parang anino; Â Â Â katulad ko ngayo'y natuyo nang damo.
Ngunit ikaw, Yahweh, ay haring walang hanggan, Â Â Â di ka malilimot ng buong kinapal.
Ikaw ay mahabag, tulungan ang Zion, Â Â Â pagkat dumating na ang takdang panahon, Â Â Â sa kalagayan niya ay dapat tumulong.
Mahal pa rin siya ng iyong mga lingkod    bagama't nawasak at gumuhong lubos.
Ang lahat ng bansa kay Yahweh ay takot, Â Â Â maging mga hari sa buong sinukob.
Itatayong muli ni Yahweh ang Zion, Â Â Â kaluwalhatian niya'y mahahayag doon.
Daing ng mahirap ay iyong papakinggan, Â Â Â di mo tatanggihan ang kanilang kahilingan.
Ito'y masusulat upang matunghayan, Â Â Â susunod na lahing di pa dumarating; ikaw nga, O Yahweh, ang siyang pupurihin.
Mula sa itaas, sa trono mong banal, Â Â Â ang lahat sa lupa'y iyong minamasdan.
Iyong dinirinig ang pagtataghuyan ng mga bilanggong ang hatol ay bitay, Â Â Â upang palayain sa hirap na taglay.
Anupa't ang iyong ngala'y mahahayag, sa Zion, O Yahweh, ika'y itatanyag;    at sa Jerusalem pupurihing ganap   Â
kapag ang mga bansa ay nagsasama-sama    sa banal na lunsod upang magsisamba.
Ako'y pinanghina, sa aking kabataan; Â Â Â pakiramdam ko ay umikli ang buhay.
Itong aking hibik, O aking Diyos, Â Â Â huwag mo sanang kunin sa ganitong ayos! Ang buhay mo, Yahweh, walang katapusan; Â Â Â
nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, Â Â Â at ang mga kamay mo ang siyang lumikha sa kalangitan.
Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, Â Â Â at tulad ng damit, lahat ay kukupas; sila'y huhubaring parang kasuotan.
Ngunit mananatili ka't hindi magbabago, Â Â Â walang katapusan ang mga taon mo.
At ang mga anak ng iyong mga lingkod, Â Â Â mamumuhay namang panatag ang loob; Â Â Â magiging matatag ang kanilang angkan, sa pag-iingat mo, sila'y mananahan.