Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; Â Â Â lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa!
O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman, Â Â Â tayo'y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang; Â Â Â lahat tayo'y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.
Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, Â Â Â umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; Â Â Â purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan!
Napakabuti ni Yahweh, Â Â Â pag-ibig niya'y walang hanggan, Â Â Â pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!