BibleAll
Home
Bible
Parallel Reading
About
Contact
Login
Verse of the Day
The LORD is my shepherd; I shall not want.
Psalm: 23:1
King James Versions
Tamil Bible
Alkitab Bible
American Standard Version
Bible Latinoamericana Spanish
Biblia Ave Maria
Biblia Cornilescu Română
Biblia Cristiana en Espaคol
Bกblia da Mulher Catขlica
Elberfelder Bible
Hebrew Bible (Tanakh)
Hindi Bible
Holy Bible in Arabic
Holy Bible KJV Apocrypha
Italian Riveduta Bible
La Bible Palore Vivante
La Bible Darby Francis
La Biblia Moderna en Espaคol
La Biblia NTV en Espaคol
Magandang Balita Biblia libre
Malayalam Bible
Marathi Bible
Tagalog Bible
Telugu Bible
The Holy Bible in Spanish
The Holy Bible RSV
The Vietnamese Bible
Urdu Bible
Zulu Bible Offline
Библия. Синодальный перевод
Punjabi Bible
Korean Bible
Select Book Name
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Tobit
Judith
Ester
Karunungan ni Solomon
Ecclesiastico
Baruc
Liham ni Jeremias
Awit ng Tatlong Kabataan
Susana
Si Bel at ang Dragon
1 Macabeo
2 Macabeo
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga
1 Mga Taga
2 Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
1 Mga Taga
2 Mga Taga
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
Chapter
Verse
Go
Prev
Magandang Balita Biblia libre
Next
Job : 36
Track Name
00:00
00:00
Chapters
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Idinagdag pa ni Elihu,
“Magtiyaga ka pa nang kaunti at makinig sa akin, pagkat ayon sa Diyos itong aking sasabihin.
Ibubuhos kong lahat ang aking nalalaman upang patunayang ang aking Diyos ay makatarungan.
Lahat ng sasabihin ko ay pawang katotohanan, pagkat akong kausap mo'y malawak ang kaalaman.
“Ang Diyos ay dakila at di nagtatakwil ng sinuman, siya ay dakila sa taglay niyang kaalaman.
Hindi niya pinatatagal ang buhay ng mga makasalanan, ang mga mahihirap ay binibigyan niya ng katarungan.
Ang matuwid ay kanyang iniingatan, ginagawang parang hari, at binibigyang-karangalan sa lahat ng sandali.
Kung ang tao'y nagagapos o natatanikalaan o kaya'y nagdurusa sa nagawang kasalanan,
ipinamumukha ng Diyos ang kanilang kasamaan, at ang naghaharing hambog na isipan.
Sila'y kanyang sinasaway at binabalaan na tumalikod sa kanilang kasamaan.
Kung sila ay makinig at sa Diyos ay maglingkod, buhay na sagana at payapa, sa kanila'y idudulot.
Ngunit kapag sila'y di nakinig at pinairal ang kamangmangan, tiyak na kamatayan ang kanilang hahantungan.
“Poot ang naghahari sa dibdib ng masama, parusahan man ng Diyos, ayaw pa ring magmakaawa.
Sa kanilang kabataan sila ay namamatay, nagwakas sa kahihiyan ang kanilang mga buhay.
Ang tao'y pinaghihirap ng Diyos upang bigyang-aral, at kanyang pinagdurusa upang mabuksan ang kanilang pananaw.
“Inalis ka ng Diyos sa kaguluhan, pinagtamasa ka niya ng kapayapaan, at pinuno ng pagkain ang iyong tahanan.
Ngunit ngayon, ikaw ay pinaparusahan bilang katumbas ng iyong kasamaan.
Huwag mong pabayaang suhulan ka ng sinuman, mag-ingat upang di mailigaw ng mga kayamanan.
Dumaing ka man nang dumaing ay wala nang mangyayari, ang taglay mong lakas ngayon ay wala na ring silbi.
Huwag mong naising ang gabi'y dumating na, ang oras na ang mga bansa ay mawawala na.
Huwag mong isipin ang magpakasama, ito ang dahilan kaya ika'y nagdurusa.
“Alalahanin mong ang Diyos ay makapangyarihan, pinakadakilang guro sa lahat ng bagay.
Walang makakapagsabi sa Diyos ng dapat niyang gampanan, at walang kasamaang maaaring ibintang.
Lahat ay nagpupuri sa kanya dahil sa kanyang ginagawa, kaya ikaw man ay magpuri rin at sa kanya'y dumakila.
Ang mga gawa niya, lahat ay namasdan, ngunit hindi ito lubos na maunawaan.
Di masusukat ng tao ang kanyang kadakilaan, at ang kanyang mga taon ay hindi rin mabibilang.
“Ang tubig sa lupa'y itinataas ng Diyos, upang gawing ulan at sa daigdig ay ibuhos.
Ang mga ulap ay ginagawa niyang ulan, at masaganang ibinubuhos sa sangkatauhan.
Sa galaw ng mga ulap ay walang nakakaalam, at kung paano kumukulog sa kalangitan.
Pinagliliwanag niya ang kalawakan sa pagguhit ng kidlat, ngunit nananatiling madilim ang kailaliman ng dagat.
Pinapamahalaan niya ang tao sa ganitong paraan, at masaganang pagkain, tayo'y hindi pinagkaitan.
Ang kidlat ay kanyang hinahawakan, at pinababagsak sa nais niyang matamaan.
Ipinapahayag ng kidlat ang kanyang kalooban, at ang kanyang galit laban sa kasamaan.
×
×
Save
Close