BibleAll
Home
Bible
Parallel Reading
About
Contact
Login
Verse of the Day
Be not deceived: evil communications corrupt good manners.
1 Corinthians: 15:33
King James Versions
Tamil Bible
Alkitab Bible
American Standard Version
Bible Latinoamericana Spanish
Biblia Ave Maria
Biblia Cornilescu Română
Biblia Cristiana en Espaคol
Bกblia da Mulher Catขlica
Elberfelder Bible
Hebrew Bible (Tanakh)
Hindi Bible
Holy Bible in Arabic
Holy Bible KJV Apocrypha
Italian Riveduta Bible
La Bible Palore Vivante
La Bible Darby Francis
La Biblia Moderna en Espaคol
La Biblia NTV en Espaคol
Magandang Balita Biblia libre
Malayalam Bible
Marathi Bible
Tagalog Bible
Telugu Bible
The Holy Bible in Spanish
The Holy Bible RSV
The Vietnamese Bible
Urdu Bible
Zulu Bible Offline
Библия. Синодальный перевод
Punjabi Bible
Korean Bible
Select Book Name
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Tobit
Judith
Ester
Karunungan ni Solomon
Ecclesiastico
Baruc
Liham ni Jeremias
Awit ng Tatlong Kabataan
Susana
Si Bel at ang Dragon
1 Macabeo
2 Macabeo
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga
1 Mga Taga
2 Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
1 Mga Taga
2 Mga Taga
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
Chapter
Verse
Go
Prev
Magandang Balita Biblia libre
Next
Job : 30
Track Name
00:00
00:00
Chapters
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
“Ngayon ako'y kinukutya na ng mga kabataan, na mga anak ng mga taong di ko pinayagan na sumama sa mga asong nagbantay sa aking kawan.
Mga bisig nila ay hindi ko inasahan, walang gawaing kanilang nakayanan.
Sa gitna ng gutom at kasalatan, kanilang kinakain mga tuyong ugat sa ilang.
Nangunguha sila ng usbong ng halaman sa dawagan, at ugat ng mga tambo ang panlaman nila sa tiyan.
Ang mga taong ito'y itinakwil ng lipunan, at ang turing sa kanila'y mistulang mga tulisan.
Mga kuweba't mga kanal ang kanilang tinitirhan, ang iba nama'y sa lungga, at ang iba'y sa batuhan.
Ungol nila'y naririnig mula roon sa dawagan, sila'y nagyayakap-yakap sa gitna ng katinikan.
Sila'y parang mga yagit na walang kabuluhan pagkat mula sa lupain, sila'y ipinagtatabuyan.
“Ngayo'y ako naman ang kanilang pinagtatawanan, siyang laging binibiro at pinag-uusapan.
Kinukutya nila ako at kanilang iniiwasan, at di nag-aatubiling ako'y kanilang duraan.
Pagkat inalis ng Diyos ang lakas ko at kakayahan, kaya naman ako'y kanilang nilalapastangan.
Sinalakay nila ako nang walang pakundangan, hinahabol nila ako upang tapusin nang tuluyan.
Pilit akong sinusukol upang ako'y pahirapan, sa ginagawa nila'y wala man lang humadlang.
Isang pader na may bitak ang katulad ng aking buhay, sinalakay nila ako at tinapak-tapakan.
Ang buo kong pagkatao ay nilukuban ng takot, dangal ko'y naglaho parang bulang pumutok, at ang aking kasaganaan, parang ulap na sumabog.
‘Halos mapatid na ang aking hininga, hindi na maibsan ang hirap kong dala.
Sa buong magdamag, mga buto ko ay masakit, ginhawa'y di madama kahit isang saglit.
Hinablot ng Diyos ang aking kasuotan, at ako'y kaawa-awang kanyang kinwelyuhan.
Pagkatapos noon, ako'y kanyang inihagis lumubog sa putik, parang isang yagit.
“Di mo pinakinggan, O Diyos, ang aking pagdaing, aking panalangin, hindi mo man lang pinansin.
Bakit ako'y iyong pinagmamalupitan, at pinag-uusig ng iyong buong kapangyarihan?
Bakit hinayaang ang buhay kong angkin, bayuhin ng bagyo at malalakas na hangin?
Alam kong dadalhin mo ako sa kamatayan, na huling hantungan ng bawat nilalang.
Taong bumagsak, bakit mo pa pinahihirapan, wala naman siyang magagawa kundi magmakaawa lamang?
Di ba ako ay dumamay sa mga nangangailangan, at nagmalasakit din sa mahirap ang kabuhayan?
Tuwa at liwanag ang aking inaasahan; subalit ang dumating ay hirap at kadiliman.
Kahirapan at sakit ang kayakap ko sa buhay, at siyang nakakasama sa bawat araw.
Ang landas ko ay madilim at walang kapanatagan; ako'y nagmamakaawa sa lahat kong kababayan.
Ang tinig ko'y walang sigla at namamalat, parang boses ng uwak at ng asong gubat.
Ang balat ko'y nangingitim at natutuklap, sagad hanggang buto itong aking lagnat.
Ang dati kong naririnig ay masasayang tugtugan, ngayo'y tunog ng pagluluksa at pag-iiyakan.
×
×
Save
Close