BibleAll
Home
Bible
Parallel Reading
About
Contact
Login
Verse of the Day
God is our refuge and strength, a very present help in trouble.
Psalm: 46:1
King James Versions
Tamil Bible
Alkitab Bible
American Standard Version
Bible Latinoamericana Spanish
Biblia Ave Maria
Biblia Cornilescu Română
Biblia Cristiana en Espaคol
Bกblia da Mulher Catขlica
Elberfelder Bible
Hebrew Bible (Tanakh)
Hindi Bible
Holy Bible in Arabic
Holy Bible KJV Apocrypha
Italian Riveduta Bible
La Bible Palore Vivante
La Bible Darby Francis
La Biblia Moderna en Espaคol
La Biblia NTV en Espaคol
Magandang Balita Biblia libre
Malayalam Bible
Marathi Bible
Tagalog Bible
Telugu Bible
The Holy Bible in Spanish
The Holy Bible RSV
The Vietnamese Bible
Urdu Bible
Zulu Bible Offline
Библия. Синодальный перевод
Punjabi Bible
Korean Bible
Select Book Name
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Tobit
Judith
Ester
Karunungan ni Solomon
Ecclesiastico
Baruc
Liham ni Jeremias
Awit ng Tatlong Kabataan
Susana
Si Bel at ang Dragon
1 Macabeo
2 Macabeo
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga
1 Mga Taga
2 Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
1 Mga Taga
2 Mga Taga
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
Chapter
Verse
Go
Prev
Magandang Balita Biblia libre
Next
Job : 22
Track Name
00:00
00:00
Chapters
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Ang sagot ni Elifaz na taga-Teman:
“Ang tao ba'y may maitutulong sa Diyos na Manlilikha, kahit na siya'y marunong o kaya ay dakila?
May pakinabang ba ang Makapangyarihang Diyos kung ikaw ay matuwid, may mapapala ba siya kung ikaw man ay malinis?
Dahil ba sa takot mo sa kanya, kaya ka niya sinasaway, pinagsasabihan at dinadala sa hukuman?
Hindi! Ito'y dahil sa napakalaki ng iyong kasalanan, at sa mga ginagawa mong mga kasamaan.
Mga kapatid mo'y iyong pinaghuhubad, upang sa utang nila sa iyo sila'y makabayad.
Ang mga nauuhaw ay hindi mo pinainom; hindi mo pinakain ang mga nagugutom.
Lakas mo ang ginagamit kaya lupa'y nakakamkam, at ibinibigay ito sa iyong kinalulugdan.
Hindi mo na nga tinulungan ang mga biyuda, inaapi mo pa ang mga ulila.
Kaya napapaligiran ka ngayon ng mga bitag, at bigla kang binalot ng mga sindak.
Paligid mo'y nagdidilim kaya di ka makakita, maging tubig nitong baha ay natatabunan ka.
“Di ba't ang Diyos ay nasa mataas na kalangitan, at ang mga bituin sa itaas ay kanyang tinutunghayan?
Ngunit ang sabi mo, ‘Ang Diyos ay walang nalalaman, at hindi tayo mahahatulan, pagkat sa ulap siya'y natatakpan.’
Akala mo'y dahil sa ulap ay di na siya makakakita, at sa ibabaw ng himpapawid, ay palakad-lakad lang siya.
“Talaga bang nais mong lakaran ang dating daan, landas na tinahak ng mga nasanay sa kasamaan?
Kahit wala pa sa panahon sila'y tinatangay na ng baha, sapagkat ang kanilang pundasyon ay lubos na nagiba.
Sinabi nila sa Diyos na sila'y kanyang layuan, at wala naman daw magagawa sa kanila ang Diyos na Makapangyarihan.
Sa kabila nito, sila pa rin ay pinagpala; di ko talaga maunawaan ang pag-iisip ng masama.
Natutuwa ang matuwid, ang mabuti'y nagagalak kapag nakita nilang ang masama'y napapahamak.
Sabi nila, ‘Ang mga kaaway nati'y nalugmok, at ang mga ari-arian nila ay natupok.’
“Sumang-ayon ka sa Diyos, makipagkasundo ka sa kanya, ang buhay mo'y gaganda at magiging maginhawa.
Makinig ka sa kanyang itinuturo, mga sinasabi niya'y itanim mo sa iyong puso.
Manumbalik ka sa Makapangyarihan, ikaw ay magpakumbabá, at alisin mo sa iyong tahanan lahat ng gawaing masama.
Ang lahat mong kayamanan ay itapon mo sa alabok, at ang mamahaling ginto ay ihagis mo na sa ilog.
Ang Diyos na Makapangyarihan ang ituring mong yaman, na siyang ginto't pilak na iyong papahalagahan.
Sa Makapangyarihang Diyos ka palaging magtiwala, at ang Maykapal ang pagkukunan mo ng tuwa.
Papakinggan niya ang iyong panalangin, kaya't ang mga panata mo ay iyong tuparin.
Lagi kang magtatagumpay sa iyong mga balak, at ang landas mo ay magliliwanag.
Ang mga palalo'y ibinabagsak nga ng Diyos, ngunit inililigtas ang mapagpakumbabang-loob.
Ililigtas ka niya kung wala kang kasalanan, at kung ang ginagawa mo ay nasa katuwiran.”
×
×
Save
Close